Kung ayaw nyo mag OVERHEAT ang laptop nyo, kelangan mapa linis nyo ang heat sink ng laptop nyo.
Ito yung me lumalabas na mainit na hangin sa gilid or sa likod ng laptop nyo.
At kapag di nyo ito napalinis, tiyak dadating ang oras na matutusta ang laptop nyo.
Sa simula, magha hang muna, tapos bigla na lang mamamatay, Tapos hindi na bubukas,
Pero pag lumamig na eh gagana ulit. Hanggang isang araw ay di na ito bubukas,
dahil nasira na ang motherboard ng laptop. Mahal yon.
So, bago pa mahuli ang lahat, ipalinis nyo na agad ang laptop nyo para mas makamura kayo.
Preventive Maintenance.

